Philippines
Raise It With Press Release
TechnologyCommerce / LifestyleFood / BeverageEducationReal Estate / Architecture
Get Guaranteed Publications in minimum 50 Media Outlets for Just PHP 1,990 PHP 1,490
Try it >>
press release

/ DILG, USAID nagsanib-puwersa, community-based drug rehabilitation, mas pinalakas

DILG, USAID nagsanib-puwersa, community-based drug rehabilitation, mas pinalakas

Philippine Information Agency

LUNGOD QUEZON, (PIA) -- Upang mas palakasin ang community-based drug rehabilitation (CBDR) anti-illegal drug program na Buhay Ingatan, Droga'y Ayawan (BIDA) ng pamahalaan,  nagsanib-puwersa ang Department of the Interior and Local Government (DILG) at United States Agency for International Development (USAID)-RenewHealth.

“As we continue to roll out the BIDA program in various sectors nationwide, I am very pleased to have the support of international agencies such as USAID. We thank USAID for sharing our vision and helping in our efforts to rehabilitate persons who use drugs (PWUDs) and combatting illegal drugs in the communities,” (Sa patuloy na implementasyon ng BIDA program sa iba’t ibang sector sa buong bansa,ko’y nagagalak sa suporta ng mga international agencies tulad ng USAID. Nagpapaalamat kami a USAID sapakikiia sa aming layunin at pagtulong aaming pagsisikap na marehabilitate ang mga taong gumagamit ng ipinagbabawal na gamot at tapusin ang suliranin laban sa iligal na droga sa mga komunidad),” ani DILG Secretary Benjamin “Benhur” Abalos, Jr.

Opisyal na inilunsad ang partnership ‪ Miyerkules ng hapon sa pamamagitan ng paglagda ng Memorandum of Understanding (MOU) sa pagitan ng DILG at USAID.

Kasama rin dito ang turnover ng iba't ibang CBDR materials at learning modules ng RenewHealth sa DILG bilang bahagi ng BIDA program na ipapakalat sa mga pamahalaang lokal.

Ayon kay Abalos, ang kolaborasyon ay naglalayong maisakatuparan ang iba't ibang drug-demand activities tulad ng pagtiyak ng access sa evidence-based at culturally appropriate tools na sumusuporta sa pagpapatupad ng CBDR; pagpapakalat ng research at best practices ng CBDR, substance use prevention at re-integration program; at capacity-building para sa mga CBDR program managers at service providers ng local government units (LGUs).

Sa ilalim ng MOU, magkakaloob ang USAID ng tools at materials ukol sa social behavior change communication (SBCC) at CBDR; capacity building at information management platforms para sa CBDR; advocacy events para itampok ang mga best practice ng CBDR; at evidence-based na mga polisiya at batayan ukol sa CBDR.

Samantala, ang DILG ang siyang mangunguna sa pagpapakalat at co-branding ng mga SBCC at CBDR material ng USAID bilang bahagi ng BIDA Program at ICAD websites; pangunguna sa mga forum at advocacy event bilang bahagi ng BIDA Program; at pagkakaloob ng CBDR capacity building sa mga LGU at iba pa.

Ang RenewHealth ng USAID ay isang proyekto na nagsimula noong 2019 na nagtataguyod ng social integration at nagpapataas ng accessibility ng drug treatment at rehabilitasyon sa loob ng komunidad.

Ang BIDA program, ang multi-sectoral at holistic na drug campaign ng pamahalaan, ay nakatuon sa pagpapaigting ng mga hakbangin upang bawasan ang demand at supply ng iligal na droga sa pamamagitan ng multi-sectoral approach kasabay ng law enforcerment efforts ng mga awtoridad. (DILG/PIA-NCR)


Categories
Environment / SGDs / RecyclingPolitics / Government / Local governmentGovernment offices / organizations

Other Press Release
Politics / Government / Local government
4 CNTs surrender to the army in SurSur
Philippine Information Agency
May 11, 2023

Politics / Government / Local government
DILG breaks ground for rehabilitation of slope protection projects in P’sinan town

Politics / Government / Local government
PH, US commit to undertake urgent actions vs climate crisis

Philippine Information Agency
URL
Industry
Service
Weekly Release Ranking
Dec 12, 2024 2024
Jeanius Hub Celebrates 3rd Year of Gift Giving Tradition in Sultan Kudarat
Jeanius Hub
VRITIMES Video
vritimes na euvritimes jpFree consultationManual EbookPR College